Ang RC143 ay contract tracing app na nilikha ng PRC kung saan sa pamamagitan nito ay matutukoy ang risk level, matutukoy at maiiwasan ang high-risk zones, at maaring direktang makipag-ugnayan sa Red Cross personnel para sa katanungan tungkol sa COVID-19 at medical assistance.
Katuwang ng PRC sa nasabing App ang Globe para sa mobile services gaya ng SMS alerts at app advisories.
Ang lahat ng mayroong PH mobile number ay maaring makagamit ng RC143.
Pero para sa Globe at TM mobile customers libre ang paggamit ng app.
Ayon sa Globe, pwedeng gamitin ng gamitin ang app nang hindi mababawasan ang mobile data.
“With GCQ and MGCQ policies now slowly being implemented to more areas, we can now expect more people to resume their daily outdoor activities. This makes it more critical to equip our kababayans with access to the right digital tools such as the RC143 app to safeguard their health and safety, and in turn, that of their bigger communities,” ayon kay Albert de Larrazabal, Chief Commercial Officer ng Globe.
Maliban sa RC143 app, libre din ang access ng Globe customers sa websties ng Department of Health (DOH) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong may pandemic ng COVID-19.