Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana nakalabas na ito ng ospital.
Sa televised briefing, sinabi ni Sta. Romana na ang nasabing pasyenteng Pinoy ay nagpositibo sa COVID-19 nang dumating sa China galing Pilipinas noong Marso.
Na-stranded aniya ito sa Metro Manila at pagdating sa paliparan sa China agad na-detect na positibo siya sa sakit.
Dahil sa paggaling ng nalalabing Pinoy na pasyente, sinabi ni Sta. Romana na COVID-19 free na ang Filipino community sa China.
MOST READ
LATEST STORIES