Misis ng COVID-19 patient sa Alcala, Cagayan positibo na rin sa sakit

Tatlo na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay makaraan ang mahigit 40 araw na pagiging COVID-19 free na ng lalawigan.

Kinumpirma ngayon ni Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Chief Dr. Glenn Baggao na nagpositibo na rin sa COVID-19 ang misis ng unang biktima ng virus sa Brgy. Tupang, Alcala.

Ayon kay Dr. Baggao dadalhin na sa isolation ward ng Cagayan Valley Medical Center ang pasyente.

Ang naturang pasyente ay una nang isinailalim sa strict home quarantine ang misis matapos makasalamuha ang kaniyang mister.

Ang nasabing lalaki ay nagpositibo sa COVID-19 matapos dumating sa lalawigan mula sa Pasay City.

Sa ngayon, ang panibagong confirmed cases ng Cagayan ay tatlo (3), isa sa Lal-lo at dalawa (2) sa Alcala.

 

 

Read more...