Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, mahigit 2,500 na

Umakyat na sa 2,531 ang bilang ng nagpositibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ito ay batay sa update ng Epidemiology and Disease Surveillance at Quezon City Health Department hanggang alas 11:00, Huwebes ng gabi (June 11).

Sa nasabing bilang, 2,435 ang nakumpirmang kaso ng DOH na may kumpletong address.

Nasa 2,371 naman ang mga kaso na na-validate ng QCESU at district health offices.

Sa ngayon, 948 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 pandemic sa lungsod.

1,223 na ang naka-recover at 200 ang pumanaw dahil sa sakit.

 

Read more...