Global cases ng COVID-19 mahigit 7.5 million na

Umakyat na sa mahigit 7.5 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, sa nasabing bilang, mayroong mahigit 422,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 3.8 milyon ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.3 million pa ang aktibong kaso kung saan halos 54,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 130,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at halos 5,000 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

 

Read more...