Mahigit 600 OFWs dumating sa Clark Airport kahapon; 300 iba pa dumating naman sa NAIA

Mahigit 900 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi na sa bansa kahapon, June 11.

Malaking bilang dito o mahigit 600 ay dumating sa Clark International Airport.

Ayon sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA) dumating sa Clark ang 307 na OFWs na pawang na-stranded sa United Arab Emirates sakay ng special flight.

Habang mayroon pang 347 na Filipino Seafarers ang dumating din sa Clark na pawang crew ng Royal Caribbean Cruise Lines mula sa USA.

Samantala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), mayroong mahigit 300 pang OFWs ang dumating kahapon.

Sila ay pawang seafarers ng AIDA cruises mula sa Germany.

Habang mayroon pang 70 OFWs ang dumating din galing naman ng Cambodia.

 

 

 

Read more...