Antas ng tubig ng Angat dam nadagdagan sa magdamag

Dahil sa mga pag-ulan dulot ng Bagyong Butchoy nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.73 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (June 12) mas martaas ito sa antas nito kahapon na 188.27 meters.

Bahagyang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.89 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.11 habang bahagyang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 75.74 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 75.77 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga at San Roque dams.

 

 

Read more...