Pero sa halip na kilos protesta ay tinawag na “Mañanita Party” ang gagawing mga pagkilos.
Sa abiso ng League of Filipino Students – UP Manila lahat ng lalahok sa pagkilos ay inabisuhang magdala ng extra shirt at maraming tubig.
Alas 10:00 ng umaga ay magkakaroon ng pagtitipun-tipon sa UP Diliman University Avenue.
Ang grupong Movement Against Tyranny sa Bicol Region magsisimula ang programa sa bahagi ng Plaza Quince Martires alas 9:30 ng umaga.
Pagkatapos nito ay magmamartsa ang grupo patungong Plaza Oragon.
May mga pagkilos din sa iba pang bahagi ng bansa.
Una nang nagpa-abiso ang Philippine National Police (PNP) na paiiralin ang maximum tolerance sa mga protestang gagawin ngayong araw.
Ayon sa PNP, pakikiusapan ang mga magpoprotesta na mapayapang mag-disperse pagkatapos ng sapat na panahon na ibibigay sa kanila ng mga pulis.