Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa bisinidad ng San Felipe, Zambales.
Napanatili nito ang lakas nito na 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na lugar:
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Tarlac
• Pampanga
• Nueva Ecija
• Bulacan
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas sa sandaling nasa bahagi na ng West Philippine Sea ay lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm.
Pero bukas ng madaling araw ay inaasahang lalabas na ito ng bansa.
Ngayong araw, ang bagyo ay magdudulot ng katamtaman hanggang s amalakas at kung minsan ay matinding pag-ulan sa Zambales, Bataan, Pampanga, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, at ang Occidental Mindoro.
Mahina hanggang katamtaman naman at kung mnominsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa CALABARZON, Visayas, Caraga, Davao Region, at nalalabi pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Hanggang bukas ay inaasan na magdudulot pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang bagyong Butchoy, pero sa Linggo ay maaring bumuti na ang lagay ng panahon.