Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 365

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Huwebes, June 11) , nasa 365 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 9 ang bagong bilang ng nadagdag habang 121 ang active cases.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 76.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 562 kung saan nakapagtala ng 2 bagong kaso sa magdamag kahapon.

Samantala, nasa 84 ang bilang ng probable habang nasa 445 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...