Truck sumalpok sa poste sa Antipolo City dalawa ang sugatan

Purok MaligayaSugatan ang pahinante at ang driver ng isang truck matapos na sumalpok sa poste sa bahagi ng zigzag road sa Purok Maligaya sa Antipolo City apsado alas 4:00 ng madaling araw.

Agad isinugod sa ospital ang mga nasugatan.

Sa nasabi ring lugar nangyari ang aksidente noong Martes kung saan binangga ng trak ang isang motorsiklo na ikinasawi ng misis na sakay ng motor.

Nasawi din sa nasabing insidente ang mister na nagmamaneho ng motorsiklo matapos magbaril umano sa sarili.

Ayon sa mga residente sa lugar, accident prone talaga ang zigzag na bahagi ng Purok Maligaya dahil maliban sa paliko-liko ay paahon at pababa ang daan.

Marami na umanong sasakyang naaaksidente sa nasabing lugar.

Read more...