3 sasakyan at traffic light, inararo ng dump truck sa Congressional Ave sa QC

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Bumagsak at humarang sa kalsada ng Congressional Avenue kanto ng Mindanao Avenue ang poste ng traffic light matapos na sagasaan ng isang dump truck.

Damay din sa nasabing aksidente ang tatlo pang sasakyan na nasa harapan ng dump truck.

Galing umano sa Pampanga ang dump truck na may kargang buhangin at patungo sana sa Binangonan, Rizal.

Ayon kay Wilson Maan na driver ng dump truck, nawalan umano ng preno ang sasakyan dahilan para mabangga niya ang isang L300 van, isang Montero at isang delivery van bago tuluyang bumangga sa poste ng traffic light.

Pero ayon sa driver ng Montero, masyadong mabilis ang dating ng truck at posibleng nakatulog umano ang driver nito kaya hindi nakahinto sa intersection.

Read more...