Bilang ng naka-recover na sa COVID-19 sa Lucena nadagdagan pa

Tumaas pa ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Lucena sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa huling datos ng CHO Lucena / Lucena IATF (5 pm, Huwebes, June 11), nadagdagan ng 23 ang bilang ng mga naka-recover at cleared na sa COVID-19 sa lungsod kaya umabot na ito sa 52.

Mayroon namang 10 na natitirang active cases sa lugar.

Sa kabuuan mayroong 62 na COVID-19 confirmed cases.

Samantala, mayroong 8 probable at 153 na suspected cases sa lungsod.

Read more...