Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 245

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, June 11) , mayroong dalawang naitalang bagong kaso kaya pumalo na sa 245 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 87 ang active cases.

Nanatili sa 27 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod.

Nasa 129 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Samantala, 4 ang probable habang 6 naman ang suspected COVID-19 cases.

Read more...