BREAKING: Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, 5,165 na; 270 ang nadagdag sa loob ng isang araw

Nasa 270 ang iniulat ng Department of Health (DOH) na gumaling sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (June 11), pumalo na sa 5,165 ang total recoveries sa Pilipinas.

Ito na ang pinakamataas na napaulat na gumaling sa bansa sa loob ng isang araw.

Samantala, sumampa na sa 24,175 ang bilang ng mga tinamaan ng pandemiya sa bansa.

Sa 443 na nadagdag na kaso, 253 ang “fresh cases” habang 190 ang “late cases”

Sinabi pa ng DOH na siyam ang nasawi pa.

Dahil dito, ang COVID-19 related deaths sa bansa ay umabot na sa 1,036.

Read more...