Heavy rainfall warning, nakataas sa Quezon

Naglabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Quezon.

Sa abiso bandang 4:20 ng hapon, ito ay dulot ng Tropical Depression Butchoy at Southwest Monsoon.

Itinaas ang yellow warning sa Quezon.

Ibig-sabihin, maaaring makaranas ng pagbaha sa ilang mabababang lugar sa nasabing probinsya.

Samantala, sinabi ng PAGASA na asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay kalat-kalat na pag-ulan sa Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Tarlac sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Kaya naman payo ng PAGASA, tutukan ang pinakahuling update sa lagay ng panahon.

Read more...