Gobyerno, target kumuha ng 50,000 contact tracer sa COVID-19

Photo grab from PCOO Facebook video

Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na target ng gobyerno na kumuha ng karagdagang contact tracers para sa COVID-19.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakausap na niya ukol sa pagkuha ng mahigit 50,000 pang contact tracers DILG Secretary Eduardo Año.

Plano aniyang simulan ang pagkuha ng contact tracers sa buwan ng Hulyo.

Layon nitong mapalawig pa ang contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Read more...