745 bilanggo, nagpositibo sa COVID-19 – BJMP

Pumalo sa mahigit 700 bilanggo ang tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa iba’t ibang kulungan sa bansa.

Ayon sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP), umabot sa kabuuang 745 ang bilang ng mga preso na nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Malaki ang itinaas nito kumpara sa huling napaulat na 195 COVID-19 cases noong April 28.

Sa 745 kaso ng pandemiya, 388 ang naka-recover habang anim ang nasawi.

Samantala, maliban sa mga preso, may 125 jail personnel nang tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, nasa 65 gumaling habang walang naitalang nasawi sa hanay ng mga jail personnel.

Read more...