Mga doktor ng DOH magbibigay ng video consultation sa pamamagitan ng KonsultaMD

Maari nang ma-avail ang video consultation sa KonsultaMD.

Mayroong 30 telemedicine doctors mula sa Department of Health (DOH) ang nag-volunteer para magbigay ng konsultasyon sa ilalim ng DOH Healthcare Warrior Program.

Ang serbisyo ay available sa KonsultaMD app hanggang June 22.

Kailangan lamang i-download ng ang KonsultaMD app at pumili sa alimang KonsultaMD plans.

Nagkakahalaga ito ng ng mula P15 kada linggo lamang hanggang P150 kada buwan.

Maliban sa DOH volunteers, maari ding magpakonsulta sa mga licensed KonsultaMD doctor.

Nagbibigay din ang mga doktor ng e-prescription at e-laboratory.

“We are glad to be chosen by DOH as one of their platforms to reach out to people who are in need of medical advice. Telemedicine Is a viable alternative to face-to-face consultation and is one way of decongesting our hospitals so that the medical staff can focus on critical cases,” ayon kay Maridol Ylanan, CEO ng Global Telehealth, Inc..

Ang DOH ay una nang nakipag-ugnayan sa
KonsultaMD para magbigay ng telemedicine advice sa publiko kung ang kanilang kaso ang ‘non-emergency’.

Layon nitong maiwasan na magtungo pa sila sa mga ospital at malantad sa sakit.

Libreng nagbigay ng serbisyo ang KonsultaMD hanggang noong May 31.

\

Read more...