Ayon sa LTFRB aprubado ang pagbiyahe ng 18,813 TNVs units at 16,701 na taxis.
Ang pagbabalik ng mga taxis at TNVS units na mula sa iba’t-ibang Transport Network Companies ay alinsunod sa Memorandum Circular (MC) 2020-018.
Sa pagbalik operasyon, sinabi ng LTFRB na walang taas-pasahe para sa mga aprubadong taxi at TNVS units, at cashless na transaksyon lamang ang papayagan bilang paraan ng pagbabayad.
Kinakailangan ding magsuot ng face mask ang mga pasaherong sasakay sa mga nasabing units.
Ipinapaalala ng LTFRB sa mga operator at driver ng mga taxis at TNVS na sundin ang mga protocol na upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, tulad ng pagsusuot ng face mask at gloves, paglilinis at pag-disinfect ng unit bago at pagkatapos ng kada biyahe o kada dalawang oras, paglalagay ng harang gawa sa non-permeable at transparent na materyales, at pagsunod sa passenger seating capacity.