Red rainfall warning nakataas pa rin sa Romblon; orange warning nakataas sa Burias Island

Nakararanas pa rin ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan sa Romblon dahil sa umiiral na Low Pressure Area (LPA).

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, red warning pa rin ang nakataas sa Romblon dakong alas 11:00 ng umaga ng Huwebes, June 11.

Orange warning naman ang nakataas sa Burias Island,

Habang Yellow warning sa Marinduque, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur.

Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Sorsogon kabilang ang Ticao Island, Northern Samar at Oriental Mindoro.

Pinayuhan ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod pang abisong ilalabas ng PAGASA.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, red warning ang itinaas sa Romblon dakong alas 11:00 ng umaga ng Huwebes, June 11.

 

 

Read more...