Tropical Cyclone Wind Signal agad itataas ng PAGASA sa sandaling mabuo bilang bagyo ang LPA sa Catanduanes

Agad na magtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ang PAGASA sa sandaling mabuo bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa Catanduanes.

Sa abiso ng PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 110 kilometers Northwest ng Virac, Catanduanes o sa 65 kilometers East Northeast ng Daet, Camarines Norte.

Ayon sa PAGASA ang LPA ay mabubuo bilang ganap na bagyo at tatawaging Butchoy sa susunod na 24 na oras.

Sa sandaling maging bagyo, agad magtataas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signals.

Simula ngayong araw hanggang bukas ang LPA at ang Southwesterly Windflow ay maghahatid na ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Western Visayas.

 

 

Read more...