Pinay na crew ng isang barko na naghihintay ng flight pauwi ng Pilipinas natagpuang walang buhay sa kaniyang cabin

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang Pinay na crew ng Royal Caribbean Ship na MV Harmony of the Seas.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin na nagpakamatay ang Pinay na si Mariah Jocson.

Si Jocson, 28 anyos kasama ang iba pang Filipino crew ay stranded sa barko at naghihintay na makauwi ng Pilipinas.

Ito na ang ikalawang insidente ng suicide sangkot ang Filipino na crew ng barko.

“Second suicide. We are tartly reminded that Filipino resilience is no excuse to stretch them to breaking point. Di sila goma; tao sila,” ayon kay Locsin.

Si Jocson na taga-Mandaluyong City ay natagpuan na walang buhay sa kaniyang cabin noong June 10.

 

 

Read more...