Mga botante pwede na muling kumuha ng voter’s certification simula sa Lunes

Simula sa Lunes, June 15 maari na muling kumuha ng voter’s certification sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

Sa abiso, sa lahat ito ng tanggapan ng Comelec mga lugar sa bansa partikular sa mga lugar na nasa ilalim na ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

Pero sa Cebu City, Talisay City at Mandaue City sinabi ng Comelec na hindi pa papayagan ang pagkuha ng voter’s certification.

Ang voter’s certification ay libre para sa mga senior citizen, PWDs, IPs at ICCs at sa mga residente ng Mindanao.

 

 

Read more...