Bahagi ng Mandaue City Hall napinsala ng sunog

Tinupok ng apoy ang bahagi ng Mandaue City Hall.

Nangyari ang sunog HUwebes, June 11 ng madaling araw.

Ayon kay Mandaue City Mayor Jonas Cortes partikular na napinsala ang Presidencia Wing kung saan naroroon ang legislative offices.

Inaalam pa ng fire bureau kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Ayon sa Mandaue City Fire Department umabot sa P300,000 ang inisyal na pinsala ng sunog.

Ayon kay Senior Fire Office 1 Socrates Jude Nacua Jr., nagsimula ang sunog alas 2:49 ng madaling araw at umabot sa 2nd alarm.

 

 

Read more...