Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, ang mga tumanggap na ng SAP noong unang tranche ay pwede nang magparehistro sa Relief Agad App.
Ito ay para sa mas mabilis na proseso ng validation ayon kay Dumlao.
Sa sandaling mai-download ang Relief Agad App, kailangang i-scan ang bar code na matatagpuan sa social amelioration card forms.
Pagkatapos nito ay didiretso na sila sa registration.
Sa sandaling makapagparehistro na ay sasailalim na sa validation ng DSWD ang aplikasyon.
Dagdag pa ni Dumlao, sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng SAP mayroong opsyon ang mga beneficiary kung paano nila nais matanggap ang pera.
Una ay mano-mano o gaya ng ginawang pamamahagi sa 1st tranche.
O kaya naman ay pwedeng sa pamamagitan ng online o digital gamit ang G-Cash, bangko, ATMs, at remittance centers.
Sinabi ni Dumlao na simula sa Lunes ay uumpisahan na ang prseoso ng pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP.