Halos 10 milyong mag-aaral na ang nakapag-enroll para sa school year 2020-2021.
Ayon ito sa datos ng Department of Education (DepEd).
Sa pagdinig ng Senate basic committee on education, sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na sa nakalipas na ilang araw na pagsisimula ng enrollment para sa pampulikong mga paaralan, 36.26 percent na ng projected enrollment para sa 2020 ang nakapag-enroll.
Iniulat din ni Briones sa Senado ang nagpapatuloy na paghahanda ng ahensya para sa ipatutupad na blended learning ngayong school year.
Ayon kay Briones, 87 percent ng kanilang mga guro ay mayroon nang ginagamit na desktops.
Gayunman, layon pa rin ng DepEd na mapaglaanan sila ng gadgets at kagamitan para sa blended learning.
READ NEXT
Batas na nagtatatag ng National Academy of Sports (NAS) System malaking tulong sa mga atleta
MOST READ
LATEST STORIES