Hindi na nagugulat ang Malakanyang kung patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala pa kasing naiimbentong bakuna kontra COVID-19 kung kaya asahan nang patuloy ang pagdami ng mga tatamaan ng sakit.
Pero ayon kay Roque, bagaman tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba naman ang bilang ng mga namamatay at hindi na rin tumataas ang bilang ng mga nagiging kritikal.
Ayon kay Roque, ang pinakaimportante ay handa ang pamahalaan at matiyak na mabibigyan ng sapat na atensuong pang medikal ang mga nagkakasakit ng COVID-19.
Humihingi rin ng pang unawa ang palasyo kung niluwagan na ang community quarantine dahil kinakailanganndin na balansehin ang ekonomiya ng bansa.
Sa a pinakahuling talaan ng DOH, pumalo na sa 23,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,027 naman ang bilang ng mga nasawi.