11 tauhan ng DSWD nagpositibo sa COVID-19; 900 iba pa sumailalim sa self-quarantine

Umabot na sa 11 na tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao ang 11 nagpositibo ay mula sa regional offices ng ahensya sa NCR, Calabarzon at Region 3.

Mayroon ding 900 pang staff ng iba’t ibang regional offices ng DSWD ang sumailalim sa self-quarantine.

Ayon kay Dumlao, ang mga field workers ng DSWD ay maituturing ding frontliners.

Kabilang sila sa mga humaharap at kumakausap sa publiko ngayong tumutugon ang bansa sa pandemic ng COVID-19.

 

 

 

Read more...