Masbate niyanig ng 4.8 magnitude na lindol

Feb 19 MasbateNiyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang lalawigan ng Masbate ala 1:49 ng madaling araw ng Biyernes, Febaruary 19.

Naitala ang epicenter ng lindol sa 19 kilometer north west ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs naramdaman ang intensity 4 sa Masbate City at bayan ng San Jacinto, intensity 2 sa bayan ng Sorsogon, at intensity 1 naman sa Iriga City at Roxas City.

Samantala, alas 4:50 ng umaga, naitala ang 4.7 magnitude sa Laoang, Northern Samar.

Wala namang naitalang intensity sa nasabing pagyanig.

Read more...