279 pang OFWs nakauwi na sa bansa kahapon

Mayroong 279 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa bansa kahapon, June 10.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sa nasabing bilang 181 ay pawang mula sa Indonesia.

Habang ang 98 naman ay mula sa Hong Kong.

Sasailalim sila sa mandatory quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

Papayagan silang makauwi na sa kani-kabilang mga pamilya sa sandaling mag-negatibo sa swab test para sa COVID-19.

 

 

 

Read more...