Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 356

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Miyerkules, June 10) , nasa 356 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 9 ang bagong bilang ng nadagdag habang 128 ang active cases.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 76.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 560.

Samantala, nasa 80 ang bilang ng probable habang nasa 439 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...