Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 2,488 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 11:00, Miyerkules ng gabi (June 10).
Sa nasabing bilang, 2,390 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.
2,322 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 928 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
1,195 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 199 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 1,396 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES