Top 9 most wanted person, nahuli sa Laguna

Arestado ang top 9 most wanted person ng Makati City Police Station sa Luisiana, Laguna Martes ng madaling-araw.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli sa manhunt operation ang suspek na si Rey Marvin Amargo sa bahagi ng Luisiana Laguna Cemetery sa Barangay San Antonio bandang 12:20 ng madaling-araw.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warant of arrest na inilabas ni Hon. Melinda Cielo Mendoza, ang Presiding Judge RTC Branch 62 sa Makati City, dahil sa kasong attempted homicide.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsagawa ng social media monitoring para malaman ang lokasyon ng suspek.

Matapos ito, nagkasa ng casing and surveillance sa loob ng isang buwan para maberipika ang ulat kung saan nananatili si Amargo.

Dinala ang suspek sa Warrant and Subpoena Section ng Makati Police Station para sa documentation at proper disposition.

Read more...