Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna umabot na sa 117

Muli pang nadagdagan ang bilang ng Coronavirus Disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna (Miyerkules, June 10 3PM), nakapagtala ng dalawang bagong active cases kaya nasa 117 ang kabuuang bilang nito sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 15
San Pedro (BJMP) – 53
San Pedro (PNP) – 11
Biñan (Larger Community) – 15
Biñan (PNP Custodial Facility) – 4
Los Baños – 2
Calamba – 5
Santa Rosa – 6
Cabuyao – 3
Calauan – 1
Victoria – 1
Pagsanjan – 1

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 40 habang ang bilang naman ng nakarecover na ay 348.

Ang kabuuang bilang ng tinmaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 505.

Samantala, nasa 1,503 naman ang bilang ng suspected cases at 75 ang probable cases.

Read more...