Health workers na nagpositibo sa COVID-19, 2,787 na – DOH

Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroong panibagong healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,787 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang June 9.

Sa nasabing bilang, 1,131 ang aktibong kaso kung saan 144 ang asymptomatic, 986 ang mild at isa ang may severe condition.

Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 743
– Nurse – 1,0019
– Nursing Assistant – 183
– Medical Technologist – 112
– Radiologic Technologist – 58

Nasa 358 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.

Samantala, 1,624 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang June 9.

Sinabi pa ng DOH na nanatili sa 32 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.

Read more...