Rainfall advisory nakataas sa Metro Manila, Bataan at Bulacan

Nakataas ang rainfall advisory sa Metro Manila, Bataan at Bulacan.

Sa abiso ng PAGASA bandang 10:00 ng gabi, ito ay bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA) at Southwesterly windflow.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Bataan at Bulacan sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Kaparahong lagay ng panahon din ang mararanasan sa bahagi ng Quezon, Laguna at Rizal sa susunod na tatlong oras.

Dahil dito, babala ng PAGASA sa publiko, bantayan ang huling lagay ng panahon.

Read more...