Patuloy na lumalapit ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Visayas, ayon sa PAGASA.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 30 kilometers Silangang bahagi ng Borongan City, Eastern Samar bandang 3:00 ng hapon.
Habang papalapit sa bansa, posible aniyang lumakas ang LPA at maging isang ganap na bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Sa araw ng Huwebes, June 11, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Gitnang Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at sa Bicol region.
Samantala, sa Northern Luzon partikular sa bahagi ng Ilocos region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley ay magiging maaliwalas ang panahon.
Sinabi ni Perez na Southwesterly windflow naman ang umiiral sa nalalabing bahagi ng Visayas partikular sa Palawan at ibang bahagi ng Mindanao.