Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (June 10), umabot na sa 23,732 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 17,239 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 740 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 452 ang “fresh cases” habang 288 ang “late cases.”
Nasa 10 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,027 na.
Ayon pa sa DOH, 159 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 4,895 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES