Lightning Red Alert, itinaas sa NAIA

(UPDATED) Naglabas ng lightning advisory ang PAGASA sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Miyerkules ng tanghali (June 10).

Itinaas ang Lightning Red Alert sa NAIA bandang 12:49 ng tanghali.

Nakaranas kasi ng malakas na buhos ng ulan sa bahagi ng naturang paliparan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang airport operations para sa kaligtasan ng mga crew ng NAIA.

Samantala, mabilis namang ibinaba na sa Yellow Lightning Alert sa NAIA bandang 1:04 ng hapon.

Bunsod nito, balik na sa normal ang flight operations sa paliparan.

Read more...