2 jeepney driver nagpositibo sa rapid test sa COVID-19 sa Mandaluyong City

Dalawang driver ng jeep ang nagpositibo sa rapid test sa COVID-19 sa Mandaluyong City.

Target ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na maisailalim sa rapid test ang 1,000 jeepney drivers.

Kahapon sa unang araw ng mass testing sa mga tsuper ng jeep, 227 ang sumalang sa rapid test at dalawa ang nagpositibo.

Ang dalawang nagpositibo ay sasailalim sa confirmatory test.

Ngayong Miyerkules, June 10 ang ikalawang araw ng mass testing sa mga driver kung saan target namang maisalang sa rapid test ang 277 na tsuper.

“No test, no trips policy” ang paiiralin sa Mandaluyong para sa mga jeepney driver.

 

 

Read more...