DOTC, itinangging minamanipula ang mga kontrata sa MRT

 

Mariing itinanggi ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang akusasyon na may kinalaman sila sa manipulasyon ng mga kontrobersyal na mga kontrata sa Metro Rail Transit (MRT-3).

Sa isang inilabas na pahayag, nilinaw ng DOTC na mahigpit silang sumusunod sa mga patakaran at batas pagdating sa procurement, kabilang na sa mga may kaugnayan sa maintenance requirements ng MRT-3.

Ito ang depensa ng kagawaran matapos silang idawit ni Vitangcol sa isinumite niyang affidavit sa Korte Suprema.

Kinwestyon kasi ni Vitangcol kung bakit siya lang ang kinasuhan ng Ombudsman gayong sumusunod lang siya sa mga utos ng kaniyang mga superiors na sina dating Sec. Mar Roxas, kasalukuyang Sec. Joseph Emilio Abaya, Undersecretary of Legal Affairs Atty. Perpetuo Lotilla at Undersecretary Rene Limcaoco.

Giit ng DOTC, sa kaso ni Vitangcol, ang nakitang pagkakamali ng Ombudsman ay ang hindi niya agad na pagsi-siwalat na may kaugnayan siya sa isang opisyal sa isa sa mga kumpanyang sumali sa bidding.

Read more...