Sugatan ang apat na sundalo sa pagpapatuloy ng bakbakan ng mga miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at militar sa bahagi ng Datu Salibo, Ampatuan, Maguindanao
Ayon kay PA 6th Infantry Division spokesperson, Capt. Joan Petinglay, dinala na sa Camp siongko station hospital sa lalawigan ang mga sundalo.
Tumanggi naman si Petinglay na ihayag ang pangalan ng mga sugatang sundalo.
Noong nakaraang linggo pa nagkakasagupaan ang pwersa ng gobyerno at BIFF sa Datu Salibo, Maguindanao dahil sinasabotahe umano ng mga bandido ang itatayo sanang tulay doon ng pamahalaan.
Dagdag pa ng militar, simula noong Biyernes umabot na sa 3,000 pamilya ang nagsilikas sa Datu Salibo at Datu Saudi sa Maguindanao dahil naiipit sa bakbakan ng BIFF at AFP.