“The DepEd should come out with more flexible payment terms so students can continue to enroll for this school year. Some families have experienced losses because of the lockdown. Private schools should be more accepting of proposed different payment schemes which are more affordable to parents who lost their jobs due to the COVID-19 lockdown,” sabi ni Sotto.
Dapat pumayag ang eskuwelahan sa ‘longer installment payment scheme’ sa pagbabayad ng matrikula para mabigyan pa ng dagdag panahon ang mga magulang na makapag-ipon para mabayaran ang pagpapa-aral ng kanilang mga anak.
Banggit ng senador, milyun-milyon Filipino ang nawalan ng trabaho o naapektuhan ang kabuhayan dahil sa kasalukuyang krisis.
May mga paaralan na ang nagsimula ng kanilang enrollment at inanunsiyo ng DepEd na sa Agossto 24 ang muling pagsisimula ng mga klase para sa Academic Year 2020-2021 at ang pagtuturo ay isasagawa sa pamamagitan ng distance at e-learning.
Inanunsiyo na ni Education Sec. Leonor Briones na hindi mangyayari ang ‘face to face classes’ hanggang walang bakuna kontra COVID-19 na nais ni Pangulong Duterte.