Pangulong Duterte lumiham kay Chinese President Xi sa anibersaryo ng diplomatic ties ng Pilipinas at China

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa anibersaryo ng diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa kaniyang liham kay Xi, sinabi ng pangulo na ang China ay itinuturing ng Pilipinas bilang “close neighbor” at “valued friend”.

Ginugunita ang ika-45 anibersaryo ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Tiniyak ng pangulo kay Xi ang commitment nito na pahalagahan at pagtibayin pa ang malapit na ugnayan sa China para sa ‘greater peace’, ‘progress’ at pag-unlad ng dalawang bansa.

 

 

Read more...