Crime incidents bumaba ng 57 percent sa kasagsagan ng pag-iral ng community quarantine

Sa kasagsagan ng pag-iral ng community quarantine nakapagtala ng malaking pagbaba sa mga kaso ng walong focus crimes sa bansa.

Ayon ito sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Base sa comparative analysis ng Joint Task Force COVID Shield sa loob ng 84 na araw na pag-iral ng community quarantine ay bumaba ng 57 percent ang crime incidents.

Lumitaw na mula sa 13,004 cases noong December 24, 2019 hanggang March 16, 2020, ang crime cases ay bumaba sa 5,652 lamang mula March 17 hanggang June 8.

Kabilang sa nakitaan ng pagbaba ang sumusunod na mga kaso:

Murder
Homicide
Physical Injury
Rape
Robbery
Theft
Carnap sa Motorsiklo
at Carnap sa Motor Vehicle

 

 

Read more...