Batangas, bahagi ng Laguna at Quezon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang lalawigan ng Batangas at ilang bahagi ng Laguna at Quezon dahil sa thunderstorm.

Sa abiso ng PAGASA, alas 9:40 ng umaga ng Miyerkules, June 10 katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Batangas sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay ng panahon din ang mararanasan sa Sariaya, Candelaria at Real sa Quezon at sa Paete, Laguna.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Pinag-iingat din ang mga residente sa bulubunduking lugar na mag-ingat sa posibleng pagkakaroon ng landslide.

 

 

Read more...