Manila City LGU nakapagsagawa na ng mahigit 11,000 swab tests at mahigit 92,000 rapid tests

Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng mass testing sa COVID-19 ng Manila City Government.

Hanggang kahapon June 9, 2020 umabot na sa 11,801 ang naisagawang swab tests sa lungsod.

138 dito ay naisagawa kahapon.

Habang umabot naman na sa 92,613 ang naisagawang rapid tests.

Kung saan, 3,550 dito ay naisagawa kahapon.

Ginagawa ang tests sa Manila Health Department at sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod gaya ng Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.

 

 

Read more...