Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, nasa 350 mga pulis ang ipapadala sa lalawigan na ipandaragdag sa naunang 1,000 police personnel na idinestino na doon.
Ayon naman kay Lt. Col. Angelo De Guzman ng Public information office ng AFP, nasa 500 ng sundalo ang nakadeploy sa Masbate at may 100 pang ipapadala sa mga susunod na araw.
Kasabay ng deployment ng karagdagang tropa ng pulis at militar, nakatakda namang lumagda sa peace covenant ang mga pulitiko sa lalawigan sa pangunguna ni Gov. Vicente Homer Revil sa March 4.
Sa pinakahuling tala ng pulisya, nasa pitong insidente na ng politically motivated na pagpatay naganap simula pa lamang ng taong ito sa sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan.
Bukod dito, namamayagpag pa rin ang New People’s Army at Private Armed Groups na pinagmumulan ng karahasan sa Masbate.