Lalawigan ng Quezon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang lalawigan ng Quezon dahil sa thunderstorm.

Sa abiso ng PAGASA, alas 7:20 ng umaga ng Miyerkules, June 10 katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Quezon sa susunod na mga oras.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Pinag-iingat din ang mga residente sa bulubunduking lugar na mag-ingat sa posibleng pagkakaroon ng landslide.

 

 

Read more...